Pinakamababang kaso ng COVID-19 ngayong taon, naitala ng DOH

Nakapagtala ng 6,835 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 8,361 na kaso kahapon kung saan ito ang pinakamababang naitala ngayong taon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 616,387 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 116,720 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 16,330 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,445,129 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,538 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 12 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 5 habang may dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments