Iginiit ni Vice President Leni Robredo na ang tagumpay ng Bayanihan E-Konsulta teleconsult service ay para sa mga volunteer doctors, telephone operators at mga staff ng Office of the Vice President (OVP).
Ang libreng teleconsult service ay nakatanggap ng 12,000 na tawag mula nang ilunsad ito dalawang linggo ng nakararaan.
Mayroon itong 600 volunteer doctors at 1,900 non-medical volunteers, karamihan ay mga operators na nagmamando ng inisyatibo.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang credit ay dapat lamang ibigay sa mga nagpatakbo ng programa.
Batid ni Robredo ang sobrang pagod na dinanas ng kanyang mga staff pero naiintindihan nila ang pangangailangan ng ganitong mga serbisyo sa panahong ito.
Layunin ng Bayanihan E-Konsulta na mabawasan ang mga pagsisikip ng mga ospital at health clinics.
Ang serbisyo ay libre para sa COVID-19 at non-COVID patients at maaaring ma-access sa pamamagitan ng libreng data.