Tagumpay ng mga manggagawa laban sa isang logistic at courier service, ikinalugod ng isang kongresista

Ikinalugod ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang matagumpay na resulta ng protestang ginawa ng ilang mga empleyado laban sa logistic at courier service na J & T Express.

Ito’y matapos i-anunsyo kamakailan ng United Rank and File Employees o (URFE) kasama ang Federation of Free Workers ang tagumpay ng mga delivery riders at truck drivers sa panawagan para sa karapatan sa trabaho, tamang pasahod, benepisyo, kabuhayan at pag-uunyon.

Ayon kay Elago, patunay lamang ito na may naaabot ang pagrereklamo para sa kapakinabangan ng karamihan ng mga tao.


Kabilang sa mga ipinanagawan ng mga empleyado ay ang pagbabalik sa 70 manggagawang tinanggal, gayundin ang pagbabayad sa mga ito ng mga benepisyo kabilang ang PhilHealth at hindi nabayarang sahod.

Dagdag pa sa inihirit ang pagpapanatili sa trabaho ng lahat ng mga empleyadong sumali sa welga.

Nangako naman ang pamunuan ng naturang express delivery sa isang pulong kasama ang National Conciliation and Mediation Board na kikilalanin ang kanilang unyon.

Facebook Comments