President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, maaaring makatapak sa Amerika dahil sa diplomatic immunity

113

Tiniyak ni US State Department Deputy Secretary Wendy Sherman na makakatapak sa Amerika si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ito ay dahil sa mayroong diplomatic immunity si Marcos bilang pangulo ng Pilipinas.

Kaugnay na rin ito sa pahayag ni Marcos na handa itong dumalo sa United Nations General Assembly sa Amerika sa darating na Setyembre.


Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon ang president-elect hinggil dito.

Kapag nagkataon, ito ang unang beses na makapupunta si Marcos Jr. sa Amerika matapos patawan ng contempt judgment ng US Court.

Facebook Comments