MANILA – Pasado kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang programang ‘no-contact policy’ ng Metro Manila Development Authority’s o MMDA.Positibo si Recto na malaki ang maitutulong nito para madisiplina ang mga motorista at masolusyunan anh problema sa mabigat na daloy ng trapiko dito sa metro manila.Gayunpaman, naniniwala si recto na ang ikakatagumpay nito ay nakasasalay sa paghinto ng ‘no available car plates’ system ng land transportation office o LTO.Katwiran ni Recto, kahit gaano kalinaw o high definition ang uri ng mga CCTV camera na gamit ng MMDA ay hindi naman nito kayang hagipin ang maliliit na font ng mga conduction stickers ng mga sasakyan na hanggang ngayon ay wala pa ring mga plaka kahit sila ay bayad na.Maliban dito, iminungkahi din ni sen recto sa mmda na maglagay ng hotline para sa no contact policy program nila para sa mga motorista na may katanungan o concern sa nasabing programa.Punto ni Recto ang hightech na paraan ng mmda sa mga lumalabag sa batas trapiko ay dapat may katapat na high tech na paraan din ng pagapela o pagproseso sa mga mahuhuli dito.
Tagumpay Ng ‘No Contact Police’ Nakasalalay Sa Pagiisyu Ng Lto Ng Mga Plaka Ng Sasakyan
Facebook Comments