Buong kumpyansang inihayag ni Senator Ronald Bato dela Rosa na 85 percent ang success level o antas ng tagumpay ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sabi ni Dela Rosa, batay ito sa bumababang bilang ng krimen at base rin sa pakiramdam ng publiko na humusay ang peace and order situation sa bansa.
Ibinida din ni Dela Rosa ang malaking ibinaba ng demand sa droga at patunay nito ang 1.3-M na drug users at drug pushers na sumuko at sumailalim sa mga community rehabilitation program.
Si ay Dela Rosa naging hepe ng Philippine National Police (PNP) na unang nanguna sa War on Drugs at nagpatupad ng Oplan Tokhang.
Paliwanag ni Dela Rosa, hindi 100 porsyentong nareresolba ang problema sa droga dahil sa laki at lawak ng operasyon nito at umano’y pagkakasangkot ng maraming opisyal ng gobyerno, kabilang ang ilang opisyal ng pulisya.
Binanggit ni Dela Rosa na malaki din ang nabawas sa suplay ng ilegal na droga pero kanyang ipinaliwanag na mahirap lubusang maharang ang pagpasok ng droga sa Pilipinas dahil sa ating mahaba at madaling mapasok na baybayin.