Mga pasyente na nasa COVID-19 facility, hindi na makakaboto ayon sa COMELEC

Hindi na makakaboto ang mga pasyente na nasa COVID-19 facilities at isolation.

Paliwanag ni COMELEC Commissioner George Garcia, hindi madadala iyong mga balota sa mga isolation facilities.

Dagdag pa nito, may umiiral na Rep. Act 11332 at patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa paglabas ng bahay o facilidad ng mga kompirmadong may COVID-19.


Ito ay ipinatutupad sa kada barangay upang maiwasan ang COVID-19.

Ang maaring pabotohin ay ‘yung may sintomas pero hindi pa confirm na may COVID-19 at mga wala sa isolation facilities.

Facebook Comments