Tahimik at maayos na BSKE 2023, pinaghahandaan na ng Quezon Police Provincial Office

In-activate na ng Quezon Police Provincial Office ang Quezon Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ang Quezon – PJSCC ay binubuo ng ibat-ibang ahensya katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) .

Dahil dito, asahan na ang ibayong paghihigpit ng pulisya sa seguridad para masiguro ang isang ligtas at payapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.


Pagtiyak din ni Quezon Police Provincial Office, Provincial Director, PCOL Ledon Monte na pananatilihin ng pulisya ang peace and order sa komunidad bago at pagkatapos ng halalan.

Facebook Comments