Taiwan, humiling ng matibay na ebidensya sa umano’y Bamboo Triad

Manila, Philippines – Pumalag ang Taiwan sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Bamboo Triad ang isa sa mga kumokontrol ng kalakalan ng iligal na droga sa Pilipinas.

Ayon kay Taiwan Economic and Cultural Office Chief Gary Song-Huann Lin, dapat ay maglabas si Duterte ng mga matibay na ebidensya at impormasyon hinggil dito.

Tiniyak din ni Lin na pursigido ang Taiwan na tumulong para mapalakas at mapatatag pa ang kampaniya ng administrasyong Duterte kontra droga.


Una nang sinabi ng pangulo na maliban sa Bamboo Triad, kontrolado rin ng 14K drug syndicate ng Hong Kong ang pagpasok sa bansa ng shabu na siyang ipinapadala naman sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Pero giit ni Sen. Panfilo Lacson na maaari umanong Bamboo Gang ng Taiwan at Hong Kong Triad ang tinutukoy ng pangulo dahil wala namang “Bamboo Triad.”

Facebook Comments