Giyera sa Marawi City, matatapos na sa September 30

Manila, Philippines – Umaasa si Defense Secretary Delfin Lorenzana na matatapos na ang sagupaan sa Marawi City sa September 30.
Ayon kay Lorenzana, mismong ang mga ground commander ang nagsabi nito sa kaniya.
Aniya, mababa na lamang sa 100 terorista ang kalaban ng tropa ng pamahalaan at unti unti na ring lumuliit ang kanilang nasasakupan.
Kumpyansa rin aniya siya sa kakayahan ng mga sundalo na gawin ang kanilang trabaho at tungkulin.

Facebook Comments