Taiwan, nag-donate ng $200k para sa mga biktima ng Bagyong Rolly at Ulysses

Nagpaabot ang Taiwanese government ng $200,000 sa Pilipinas bilang humanitarian assistance para sa mga biktima ng Bagyong Rolly at Ulysses.

Ayon kay Taipei Economic and Cultural Office (TECO) Representative Peiyung Hsu, personal na ibinigay ang donasyon kay Vice Chairman Gilberto Lauengco ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Bilang pinakamalapit na kapitbahay ng Pilipinas, ipinapaabot ng Taiwan ang pakikiramay sa mga pamilya kasunod ng serye ng trahedya na nagresulta ng pagkawala ng buhay at bilyu-bilyong pisong halaga ng ari-arian, imprastraktura at agrikultura.


Nagpapasalamat naman ang MECO sa Taiwan sa pagbigay ng suporta at tulong sa mga Pilipino.

Facebook Comments