Taiwan, niyanig ng 5.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang northeastern Yilan sa Taiwan kaninang umaga.

Wala namang naitalang casualty sa nasabing pagyanig.

Kadalasang tinatamaan ng lindol ang bansang Taiwan dahil malapit ito sa dalawang tectonic plates.


Matatandaang noong Abril ay niyanig din ng magnitude 6.1 na lindol ang Taiwan kung saan 17 katao ang sugatan.

September 1999 nang tumama ang magnitude 7.6, ang pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Taiwan na kumitil sa buhay ng 2,400 katao.

Facebook Comments