Thurman, naghamon ng rematch kay Pacman

Matapos ang split decision loss kay Manny Pacquiao nitong Hulyo, naghamon ngayon ng rematch ang American boxer na si Keith Thurman.

Ayon kay Thurman – bagama’t malaki ang respeto niya sa Pambansang Kamao, naniniwala siyang hindi dapat si Pacquiao ang nanalo sa kanilang dikit na laban na inihalintulad pa niya sa toss coin.

Giit ng American boxer, kaya lang naman nanalo si Pacquiao ay dahil sa kilala ito sa kanyang boxing experience.


Kaya hamon ni Thurman kay Pacquiao, pumirma ng kontrata para sa isang rematch.

Facebook Comments