Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Taiwanese Matapos magpanggap na isang Pilipino.
Ang 27 anyos na si Su Ping Yen ay nagtangkang lumabas ng bansa lulan ng Air Asia flight patungong Taipei.
Ayon sa BI, si Su ay kasama sa alert list ng Immigration dahil sa paggamit nito ng kwestyonableng Philippine passport.
Nakakulong na ngayon si Su sa detention facility ng Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang hinihintay ang deportation proceedings laban dito.
Una nang na-offload ng mga tauhan ng Air Asia si Su mula sa isang flight nito patungong Taipei dahil sa kaduda-dudang Philippine passport.
Matapos ma-offload, agad itong nagbook ng isa pang flight patungong Taipei gamit naman ang kanyang Taiwanese passport.
Inamin ni Su na nakuha niya ang pekeng Philippine passport sa tulong ng isang kaibigan sa halagang P3,000.