Taiwanese na nahulihan ng P7-M halaga ng shabu sa Parañaque, hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo

Guilty ang ibinabang hatol ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 259 laban sa Taiwanese na si Lin Chun Ming alyas “Allen Cheng” at “Alex”.

Kaugnay ito ng kasong paglabag sa Section 11 o illegal possession of dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022

Ayon sa Department of Justice (DOJ), July 11, 2022 nang ibaba ng korte ang hatol laban kay Lin at pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong at pinagmumulta ng P7 milyon.


Si Lin ay una nang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong July 5, 2016 sa tinutuluyan nitong unit sa BF Homes sa Parañaque matapos makuha sa kanya ang halos 8,000 grams ng shabu.

Sa bisa ng search warrant mula sa sala ni Executive Judge Fernando Sagun Jr., ng Quezon City RTC Branch 78, pinasok ng PDEA ang unit ni Lin.

Facebook Comments