TAKAS | Manhunt operation, ikinasa laban sa 16 inmate

Bacoor, Cavite – Patuloy ang man hunt operation ng PNP laban sa 16 inmate na nakatakas sa Bacoor City Police Detention Cell sa Cavite, alas 4:20 hapon ng Biyernes.

Ayon kay Cavite Police Director Senior Superintendent William Segun, 22 ang naunang nakatakas pero agad ring nahuli ang anim sa sa mga ito.

Aniya, kinukunan noon ng mugshot ng isang jailer ang isa sa mga preso at nang buksan na niya ang pinto ng selda ay bigla siyang itinulak ng ibang preso hanggang sa makatakas.


Sabi ni Segun, karamihan sa mga nakatakas na preso ay may kasong may kinalaman sa droga.

Samantala, ipinag-utos na ni Calabarzon Police Director Edward Carranza ang pagsibak sa supervisor at 2 jail guard ng kulungan.

Facebook Comments