Takbo ng MRT-3, pabibilisin na sa 50-60kph sa darating na Disyembre

Asahan ang mas mabilis na biyahe ng mga pasahero patungong sa kanilang pinagtatrabahuhan at destinasyon.

Sisimulan na kasing itinaas ng Metro Rail Line-3 (MRT-3) ang operating speed ng kanilang mga tren sa 50kph mula sa dating 30kph.

Dahil dito, nabawasan na ang oras ng pag-aantay sa pagdating ng susunod na mga tren.


Mula sa dating 8 to 9.5 minutes, naging 4-5 minutes na lang ang headway.

Nangangahulugan na mababawasan na ang travel time mula North Avenue station patungong Taft Avenue station na mula sa dating 1 hour and 15 minutes ay magiging 1 hour and 5 minutes na lang.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, sa Disyembre ay plano nilang itaas pa sa 60kph ang train speed.

Resulta ito ng paglalatag ng mga bagong long-welded rails sa lahat ng MRT-3 stations bilang bahagi ng massive rehabilitation program ng rail line ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula Japan.

Facebook Comments