Takot ng mga tao sa bakuna, tinutugunan ng mga eksperto – DOH

Hahayaan ng Department of Health (DOH) ang mga eksperto na tugunan ang takot ng mga tao sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsasagawa na sila ng town hall meeting kasama ang mga eksperto para talakayin ang bisa ng mga bakuna.

Pagtitiyak ni Vergeire na ang mga bakunang nabigyan ng Emergency Use Authority (EUA) ay ligtas dahil dumaan ito sa evaluation.


Karaniwang pangamba ng mga tao sa bakuna ay baka lumala ang kanilang sakit o kaya naman ay mamatay.

Ang Pilipinas ay nakapagtala lamang ng 0.14% na “serious” adverse events pagkatapos ng vaccinations – nangangahulugang mas matimbang ang benepisyo kaysa sa banta nito.

Facebook Comments