TAKOT? | Pagbibitiw ng 20 personnel ng BOC kinumpirma ni Comm. Guerrero

Manila, Philippines – Inamin ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang sabay-sabay na pagbibitiw sa puwesto ng 20 opisyal ng Bureau of Customs (BOC) nitong nagdaang linggo.

Sa isinagawang flag raising ceremony sa Bureau of Customs (BOC), tiniyak ni Guerrero na walang apekto sa kanyang liderato ang resignation ng 20 tauhan.

Paliwanag ng opisyal normal din aniya ang ginawang resignation nang mga umalis na tauhan na nangyayari sa tuwing may bagong luklok na pinuno ng ahensiya. Ito aniya ay upang mabigyan ng pagkakataon ang bagong liderato na magpatupad ng mga programa at reporma.


Hindi pinangalanan ng Commissioner ang mga nag-resign ngunit kanyang sinabi na ang 20 ay pawang presidential appointees.

Tiniyak din ni Guerrero na wala siyang bitbit na tauhan na itatalaga sa mga nabakanteng posisyon sa bureau kundi aayusin lamang aniya ang sistema.

Facebook Comments