Tala Hospital at DOH, kumpiyansang makakapasa ang Philippine Emergency Medical Assistance Team sa pre-verification process ng WHO

Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na makakapasa sa pre-verification process ng World Health Organization (WHO) ang Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) ng Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital.

Ayon kay Dr. Ariel Valencia ang Assistant Secretary at Special Assistant to the Secretary of Health, malaking bagay kung makikilala ang PEMAT ng nasabing hospital dahil mapapalawak pa nila ang pagtulong sa mga nangangailangan gayundin ang pagkakaroon ng dagdag kaalaman.

Una nang ipinakita ng PEMAT ng Tala Hospital sa mga representative ng WHO ang kanilang mga manual at guidelines kabilang ang mga isinagawa nilang trainings at seminar bilang bahagi ng proseso.


Maging ang mga emergency responde na kanilang nirespondehan at kanila rin ipinakita sa WHO kung saan lahat ng kanilang mga maging aktibidad ay pasok o naaayon sa international standards.

Ipimagmalaki rin ng PEMAT ng Tala Hospital sa WHO ang mga parangal at pagkilala na kanilang natanggap sa pagganap sa kanilsng tungkulin.

Bukod sa Tala Hospital, tutungo ang WHO sa Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban at Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa San Fernando, Pampanga para isailalim rin sa pre-verification ang PEMAT ng dalawang hospital kung saan tatlong emergency medical team sa bansa ang umaasang makakakuha ng badge sa WHO.

Facebook Comments