Manila, Philippines – Itinalaga ng ward para sa mga pasyente ng leptospirosis ang buong ikalimang palapag ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.
Sa datos ng EAMC, nasa 21 pasyente na ang tinamaan ng sakit.
Ayon kay EAMC Public Health Unit Head, Dr. Dennis Ordoña – kaysa makipagsiksikan sa Emergency Room na puno na, mas maganda ang kundinsyon ng mga pasyente at mas matututukan sila nang mailipat sa bagong ward.
Nakalatag aniya ang contingency plans kapag patuloy na tumaas ang bilang ng mga pasyenteng tatamaan ng leptospirosis.
Facebook Comments