SINIGURO | DOH, tiniyak na sapat ang supply ng gamot panglaban sa leptospirosis

Manila, Philippines – tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang supply ng doxycycline, gamot laban sa leptospirosis sa mga regional office.

Ayon kay DOH Usec. Rolando Enrique Domingo – ang mga sobrang supply ng gamot para sa Region 4-b o MIMAROPA ay ipapadala sa metro Manila.

Sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City, nasa 61 leptospirosis patients ang naka-confine kung saan 41 ang sumasailalim sa dialysis.


Nakahanda rin ang nkti sakaling tumaas ang bilang ng mga tatamaan ng sakit.

Facebook Comments