TALAMAK PA RIN | Iligal na droga, laganap pa rin sa bansa – PDEA

Manila, Philippines – Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na laganap pa rin ang shabu sa bansa.

Sa nagpapatuloy na pagdinig tungkol sa P6.8 Billion na iligal na droga na naipuslit sa Customs, tinanong ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento ang lagay ng mga pumapasok na droga sa Pilipinas.

Sinabi ni PDEA Deputy Director General for Operations Ruel Lasala na pangunahin pa ring nag susupply ng shabu sa bansa ang Chinese triad at African Drug Group.


Sinabi nito na iba’t ibang paraan ang ginagawa ng mga sindikato para makapagpuslit ng droga sa bansa kabilang na dito ang smuggling, paglalagay sa mga bagahe at courier service.

Sa kabila ng laganap pa rin ang droga sa bansa, ipinagmalaki naman ng PDEA na kaunti na lamang ang nagtatayo ng shabu laboratory sa bansa.

Facebook Comments