Cauayan City, Isabela – Nakatanggap na ang ilang empleaydo ng Talavera Group of Comapanies ng bayad kaugnay sa reklamong isinampa ng grupo ni Mr. Janrey Gomez.
Kinumpirma ito ng isang mapagkakatiwalaang source na opisyal ng naturang kompanya. Ayon sa ayaw magpabanggit ng pangalan na officer ng Talavera Group, sinimulan na kanina (October 2, 2019) ang pagbabayad sa mga rank and file employees.
Nininaw ng ating source na sa unang araw ng pamamahagi ng bayad ay tang mga empleyado pa lamang ng Talavera Main dito sa lungsod ang nakatanggap.
Kung matatandaan ay naging mainit ang naging usapin sa pagitan ng pamunuan Talavera Group of Companies at mga empleyado nito matapos mag sampa ng reklamo ang grupo ni Janrey Gomez sa ACT CIS Party list. Ayon sa grupo ni Gomez, hindi umano nagbabayad ng overtime pay at holiday pay ang nasabing kompanya.
Hindi naging kumbinsido ang grupo ni Gomez sa naging unang pagtugon ng DOLE Isabela kayat umabot sa pamunuan ng programa ni Raffy Tulfo ang reklamo. Dahil sa kasong ito ay nakalkal maging ang ilang mga unang kasong kinasangkutan ng kompanya maging ang mga kasong kinaharap ng ibang kasapi ng pamilya ng may ari na si Mr. Gaudioso Talavera.
Ayon sa Labor Advisory ng DOLE, sinabi nito na kung hindi magtatrabaho ang empleyado sa araw ng holiday, makatatanggap pa rin ito ng 100 porsyento ng kaniyang sweldo sa isang araw depende sa kondisyon ng pinapasukang kumpanya Sa mga matatapat naman na day-off pero papasok pa rin, karagdagang 50 porsyento ang makukuha sa kanilang sa basic pay sa isang araw. Sa mga magtatrabaho na lagpas sa walong oras na natapat pa sa kanilang day off, dagdag pang 30% ng kaniyang hourly rate.
Naging daan ang reklamo ni Gomez para maimbestigahan ang umanoy sabwatan at kakulangan ng BIR Isabela. Lumalabas na hindi umano tama ang buwis na binabayaran ng Talavera Group sa BIR. Dahil dito, pinatawag ng konreso ang pamunuan ng BIR Isabela at DOLE Isabela sa Kongreso para magpaliwanang. Hanggang ngayon nasa komite kinabibilangan ni ACT CIS Party representative Niña Taduran ang kaso.