Talent manager na si Alfie Lorenzo, inaming sumama ang loob sa aktres na si Judy Ann Santos sa pagkalas nito sa kaniyng poder

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng entertainment columnist at talent manager na si Alfie Lorenzo na sumama ang loob niya sa dating alaga na si Judy Ann Santos matapos itong tuluyang kumalas sa kanyang poder.

Ayon kay Alfie, nang puntahan niya si Juday sa condominium nito para pormal na magpaalam sa alaga ay mas nanaig raw ang awa niya sa aktres.

Hindi maintindihan ni Alfie kung bakit pinasikat na niya si Juday ay naghahangad pa ito na malaos.


Giit nito, kabisado na niya lahat ng pwedeng gawin sa pagsikat at paglubog ni Juday dahil nagsisimula pa lang ito sa showbiz ay siya ang nakatutok dito.

Samantala, naniniwala naman si Alfie na “komisyon” ang dahilan kung bakit kumalas na si Juday sa kanya kung saan dahil sa dami ng mga pumapasok na projects at commercials sa aktres ay nanghihinayang na siguro ito na magbigay pa ng komisyon sa kanya.

DZXL558

Facebook Comments