Isang fashion designer sa Amerika, agaw eksena sa kakaibang dress na mismong siya ang lumikha

80

Amerika – Isang designer ang agaw pansin ngayon sa mundo ng fashion matapos ang kakaiba nitong dress na siguradong magugutom ka.

Ang pizza dress na likha ng North Carolina designer na si Olivia Mears ay kaniyang ginawa para sa isang contest na kung saan inabot din siya ng ilang linggo para maperpekto ang disenyo nito.

Ang “pizza-designed” gown ay may disenyong classic toppings tulad ng pepperoni, black olives at green peppers.

Makikita ang nasabing dress na ito sa shop ni Mears sa Etsy Avant Greek at willing daw siyang gumawa ng ibang style depende sa mga customers kung anong design ng pizza ang kanilang nais.

DZXL558

Facebook Comments