Italy – Hinahangaan ngayon ang isang artist sa Italy sa dahil sa kakaiba at unique nitong artwork.
Nabatid kasi na sa halip na sa ordinaryong canvass gumagawa ng stone paintings ang artist na si Stefano Furlani.
Ayon kay Stefano, nadiskubre niya ang ganitong uri ng artwork noong nagpunta sila sa beach at habang nangunguha ng mga bato ay sumagi sa isip niya na bigyan ito ng kulay.
Pero hindi basta-basta mga ordinaryong bato ang kinukuha ni Stefano dahil kailangan daw na geometrically appropriate ang mga bato na sasakto sa nais niyang gawin.
Inaabot din daw ng ilang araw bago makabuo ng konsepto si Stefano kung saan ilang linggo din niya itong gagawin.
Facebook Comments