SUPORTADO | Panawagang magretiro na si Sen. Pacquiao sa pagboboksing, sinuportahan ng ilang senador

Manila, Philippines – Panawagang magretiro na si Senador Pacquiao sa pagboboksing, sinuportahan ng ilang senador.

Suportado ng ilang senador ang panawagang magretiro na sa si People’s Champ, Senador Manny Pacquiao matapos ang matagumpay na laban kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Senador Sonny Angara, mas mainam na magpahinga na si Pacman sa boxing dahil naipakita na nito ang galing sa ibabaw ng ring.


Para naman kay Senador Ralph Recto, kung titigil ngayon si Pacman, higit na maaalala ng publiko ang kaniyang mga tagumpay dahil sa kaniyang huling match na talagang impresibo.

Sabi ni Senador JV Ejercito, naipakita na ni Pacman ang galing ng Filipino sa buong mundo at umani na ito ng paghanga.

Giit naman ni Senador Panfilo Lacson, huwag na sanang hintayin ni Pacman na magkaroon pa ng masaklap na pangyayari bago ito huminto sa pakikipaglaban.

Una na itong ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil gusto niyang makita ang kanyang kaibigan si Manny na mag-enjoy na sa kanyang buhay.

Facebook Comments