TALENTED | Isang babae sa Australia, hinahangaan dahil sa galing nitong gumawa ng mga body art canvass

Australia – Hinahangaan ngayon ang isang babaeng make-up artist at beauty blogger mula sa Australia dahil sa kakaiba nitong mga body art canvas.

Mismong sa sariling katawan ginagawa ng artist na si Georgina Ryland ang mga mala-obra niyang paintings kung saan siguradong mapapahanga ka niya sa galing niyang mag-pinta.

Ayon kay Georgina, hindi naging madali para sa kaniya na gawin ang ganitong uri ng work of art at inabot daw siya ng ilang toan para ma-perfect ito.


At kahit pa halos kabisado na niya ang pagagawa ng mga body paintings, nag-eensayo pa din daw siya ng isang beses kada Linggo para mapanatili niya palagi na nasa kundisyon ang kaniyang mga kamay.

Una na din nai-feature sa mga fashion magazine tulad ng Aluure at Cosmopolitan si Georgina at umaabot na din sa mahigit 50,000 ang kaniyang fans sa Instagram.

Facebook Comments