NAG-REACT | KZ Tandingan, wala daw problema kung ikinukumpara siya sa Tawag ng Tanghalan winner na si Janine Berdin

Manila, Philippines – Nag-react ngayon ang singer na si KZ Tandingan sa mga nagkukumpara sa kaniya sa 16-anyos na winner ng Tawag ng Tanghalan na si Janine Berdin.

Say ni KZ, masaya siya at wala din daw problema kung ihahalintulad siya kay Janine na kapareho niyang magaling kumanta.

Dagdag pa ni KZ, malamang na nakikita ng mga fans ang sarili niya kay Janine dahil halos iisa ang tono ng kanilang boses at iba din sila sa mga normal na singer na napapanood ng mga tao.


Samantala, plano ngayon ni KZ na maglabas ng album sa China matapos pagsali nito sa “Singer 2018” na ginanap sa nasabing bansa.

Ayaw daw kasi niyang sayangin ang pagkakataon habang sikat pa siya sa China at pinag-iisipan pa rin niya kung gagawa ito ng Mandarin songs na isasama sa kaniyang ilalabas na album.

Facebook Comments