TALENTED | Isang lalaki sa India, hinahangaan dahil sa mala-painting na art work

India – Hinahangaan ngayon sa India ang isang lalaki dahil sa kakaiba nitong talento sa embroidering.

Sa unang tingin, aakalin mo na isang painting ang ginawang embroidery ng mananahing si Arun Kumar Bajaj kung saan mas sikat siya sa tawag na “needle man”.

Nabatid na unang pangarap ni Arun na maging isang kilalang painter pero dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama, napilitan siyang pag-aralan at ipagpatuloy ang kanilang family business na “patahian”.


Pero sa halip na ordinaryong embroidery tool, gumagamit si Arun ng sewing machine para makagawa ng unique at kakaiba nitong mga obra.

Sa ngayon, kinikilala si Arun bilang kauna-unahang “Sewing Machine Artist” sa buong mundo.

Facebook Comments