Picture ng mag-tiyahin na sina Claudine Barreto at Dominique Cojuangco, umani ng mga positibong reaksiyon

Manila, Philippines – Umani ng mga positibong reaksiyon sa mga netizens ang ginawang pag-post ng picture ng anak ni Gretchen Barreto na si Domique Cojuanco sa kaniyang instagram.

Nabatid kais na ang nasabing picture ay kasama ni Dominque ang kaniyang tita na si Claudine Barreto kung saan kuha ang larawan para sa isang local fashion magazine.

Marami sa kanilang mga followers ang agad na natuwa nang makita silang dalawang magkasama.


Nag-post din si Claudine ng halos magkaparehas na litrato sa kanya namang instagram page at nakasulat bilang caption dito ang mga salitang “My Heart.”

Dahil sa nasabing post ng mag-tiyahin, marami ngayon ang nag-speculate at umaasa na posibleng maaayos pa ang relasyon ng magkapatid na sina Claudine at Gretchen na limang taon nang mayroong alitan.

Facebook Comments