Talented na 6 taong gulang Fil-Am, nakapag-limbag na ng dalawang libro

33
Courtesy of I am Jan Alexander

Tampok si Jan Alexander Quintos, anim na taong gulang na Filipino-American, ang nakapag-limbag na ng dalawang libro sa New Jersey, Estados Unidos.

Ayon sa kaniyang ina na si Ethel Quintos, bilib ito sa anak at mahilig daw talaga itong gumuhit. Pahayag ng kaniyang ama na si Alex Bloomfield, nagulat sila na maraming tumangkilik sa libro nito sa launching pa lamang.


Dagdag ng ama, ang intesyon nila ay para lamang sa mga kaibigan at kamag-anak.

Nai-publish ang I Am Jan Alexander noong Pebrero 15, 2019. Mabibili ito sa halagang $14 o P700. Si Alexander mismo ang gumuhit ng libro.

Ang kaniyang pinakabagong libro ay ‘Have You Seen Jacob?’ na nailimbag nitong Hunyo lamang na tungkol sa kalusugan, pagkain at kasiyahan.

Mayroon pang mga nakaabang na sketch books at fun coloring books na ililimbag na nakapangalan sa kaniya.

Facebook Comments

From Advertisers