Wednesday, January 28, 2026

TALENTO SA SINING NG MGA MAG-AARAL NA DAGUPENO, PATULOY NA SINUSUPORTAHAN

Inaanyayahan ang mga kabataang malikhaing isip ng Dagupan City na makilahok sa dalawang makabuluhang aktibidad na naglalayong hubugin at paunlarin ang kanilang talento sa sining at malikhaing pagpapahayag.

Gaganapin ang Captured Moments 2: Photography Workshop for Young Photojournalists para sa mga mag-aaral mula Elementary Districts 1 hanggang 5 sa Enero 31, 2026 sa Dagupan City Teen Center, kung saan matututuhan ng mga bata ang wastong paggamit ng kamera, paglinang ng malikhaing pananaw, at sining ng visual storytelling.

Kasabay nito, bukas din ang Logo Making Contest: Build for the Future (Basta Family First) para sa mga kabataang may hilig sa graphic design at digital arts, na nagbibigay ng pagkakataong ipahayag sa pamamagitan ng disenyo ang adbokasiya ng bolunterismo, pagkakaisa ng kabataan, at pagpapahalaga sa pamilya, na may ₱5,000 cash prize para sa mapipiling logo at tokens para sa lahat ng kalahok.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, layunin ng Pamahalaang Lungsod na bigyang-lakas ang kabataan, palakasin ang kanilang kumpiyansa, at lumikha ng ligtas at makabuluhang espasyo upang maipamalas ang kanilang galing bilang susunod na henerasyon ng mga storyteller at creative leaders. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments