Tiniyak ng grupong Taliban na papayagan nila ang mga dayuhan mula sa 100 na bansa at mga Afghan na may travel papers na makaalis ng Afghanistan.
Batay sa pahayag na nilagdaan ng European Union (EU) at North Atlantic Treaty Organization (NATO), ito ay para masigurong na ligtas na makakalabas ng nasabing bansa ang mga mamamayan at empleyadong naipit sa ginawang pananakop ng Taliban.
Kabilang sa listahan ng 100 na bansa ang Estados Unidos, Britain, France at Germany habang hindi naman lumagda ang China at Russia.
Samantala, tatlong bata naman ang naitalang nasawi mula sa airstrikes na isinagawa ng Estados Unidos laban sa grupong Islamic State sa Afghanistan.
Facebook Comments