Di umano’y malaking paglabag sa batas at dapat idagdag sa kasong isinampa laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy kung mapapatunayang minolestya niya ang limang batang babae na nagsumbong sa Davao City Police Office.
Iyan ang pinanindigan ni Human Rights Advocate at Talikala-Davao Executive Director Jeannette Ampog sa panayam ng DXDC RMN Davao, dagdag pa nito na kahit sa ngalan ng relihiyon wala umanong karapatang abusuhin ang mga menor de edad .
Nilinaw din nito na hindi dapat gamitin ang mga kabataan sa hindi kaaya-ayang aktibidad sa anumang kadahilanan at hindi rin exempted sa batas kung magagawa ito ng isang ama, kapitbahay, pastor at pari.
Pinaalahanan din nito ang mga magulang na may pananagutan bilang unang depensa ng kabataan laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso ng sinuman at hindi maaaring maging rason paniniwala o ideolohiya na malagay sa panganib ang mga bata.
Facebook Comments