Talitay , Maguindanao Mayor sinibak na sa pwesto!

Tinanggal na sa pwesto bilang Alkalde ng bayan ng Talitay si Montasser Sabal.
Sinasabing dahil sa di idiniklarang yaman na kinabibilangan ng lupat tahanan nito sa Davao City, Cotabato City at pagkakaugnay na rin di umano sa ipinagbabawal na gamot base sa dokumentong inilabas ng Ombudsman na may petsang July 13, 2017 na permado ni Conchita Carpio Morales.
Matatandaang nauna na ring pinangalanan ni Presidente Rody Duterte si Mayor Sabal na kabilang sa Narco- Politicians.
Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government ARMM Secretary Atty. Noor Hafizullah Abdullah ang paghain ng dismmisal order kaninang umaga sa misong Municipal Hall na tinanggap ni Talitay municipal administrator Tato Aruyod .
Sinaksihan rin ito nina Senior Supt. Agustin Tello, Maguindanao provincial police director, at Lt. Col. Crizaldo Fernandez ng 19th Infantry Battalion.
Napag alaman na ilang buwan na ring hindi pumasok sa munisipyo si Mayor Sabal matapos magtago mula sa kamay ng mga otoridad.
Matatandaang samot saring mga matataas na kalibre ng mga baril, pampapasabog ,luxury vehicle at mga ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska sa ginawang raid sa tahanan ni Mayor Sabal sa Talitay noong nakaraang taon.
Kaugnay nito inaasahang hahalili sa binakanteng pwesto ni Sabal ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Abdulwahab Allan Sabal. Nauna na ring isinagkot si Vice Mayor Sabal sa Davao Night Market Bombing.
Kaugnay nito patuloy na nakaalerto ang buong hanay ng mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa loob at labas ng Talitay.
Habang sinubukan naman ng RMN COTABATO na makuha ang panig o magiging pahayag ng pamilya Sabal.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments