Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang mga aktibidad na nagpapakalat o nagpapatalsik ng laway ngayong holiday season para maiwasan ang surge ng COVID-19 cases.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lumalabas sa pag-aaral na ang pagkanta at pagsigaw ay mabilis na naikakalat ang viral particles.
Iwasan din muna ang salu-salo ngayong Christmas season.
Kapag walang barriers o harang sa hapag kainan, ang laway ay mabilis na lumilipad o tumatalsik sa mga katabi.
Una nang pinaiiwas ng kagawaran ang publiko sa paggamit ng ‘torotot’ bilang pampaingay ngayong Pasko at Bagong Taon.
Facebook Comments