Lungsod ng Mandaluyong nakapagtala ng 11 bagong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ng 11 bagong kaso ng COVID-19 ang City Health Department ng Mandaluyong sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, tumaas sa 5,736 ang kabuuang bilang ng kupirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 5,464 nito ay gumaling na sa naturang sakit, matapos makapagtala limang new recoveries.


Nasa 169 ay mga nasawi na dulot ng virus.

Tumaas din ang bilang ng active COVID-19 cases sa lungsod na umabot na sa 103.

Ang Barangay Addition Hills, Highway Hills, at Hulo ang tatlong barangay sa lungsod ang may pinakamaraming mga active cases.

Facebook Comments