Talumpati ni Duterte, naistorbo dahil sa isang langaw

978

Naantala ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa agaw- pansing langaw na lumilipad malapit sa kaniyang mukha.

Napansin niya ang dumapong langaw habang nasa kalagitnaan ng speech.

“Kaya maski noon pa talagang may away na ako sa pari. Kagaya nitong langaw na ito. Utos man nila ito. Kanina pa ‘yan sunod nang sunod sa akin. Naligo naman ako, mga buang,” ani Duterte.


“Maya maghintay ka. Itong speech ko ang ihampas ko sayo,” dagdag niya.

Nakisuyo naman si Duterte na palitan ang baso ng tubig dahil dumapo na ang langaw dito.

“Dinapuan ito ng unggoy. ‘Yang bago. Sa kakapasyal pati yung… Yung bote nalang, be. Diretso ko nalang. With your permission,” pahayag ni Duterte.



Nitong Mayo, isang ipis naman ang umantala sa talumpati ni Duterte habang pinapahayag nito ang paghanga kay Senator Imee Marcos.

Facebook Comments