Manila, Philippines – Inilarawan ng Malakanyang ang magiging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) mamaya.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – ito’y prangka, challenging, realistic pero may hatid na pag-asa.
Ilalahad din ang mga nagawa sa unang taon ng administrasyon at kung ano ang mga hamong kinakaharap sa kasalukuyan at ang mga magagawa pa sa susunod na 5 taon.
Nakasalin sa salitang ingles ang nakahandang talumpati punong ehekutibo.
Aniya, kung babasahin ang talumpati nang deretso at walang adlib, posibleng tumagal ito ng mahigit 50 minuto.
At kung kasama naman ang mga palakpakan at ilang pagkilala, maaari naman aniyang tumagal ng 1 oras at 30 minuto ang talumpati ni Duterte.
Samantala, maaaring makita ang buong transcription ng buong report ng pangulo online pagtapos ng kaganapan.