Tama at maayos na serbisyo, sinisiguro ng Maynilad

Nilinaw ni Maynilad spokesperson Jennifer Rufo na 6% na mga maruruming tubig ang nasala na ng kanilang ahensiya.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Rufo na noong nakaraang taon 2018 ay 20% na ang sewerage coverage system na hindi konektado at 20% nito ay kinukuha sa environmental fee sa motor bill, habang 70% dito ay covered ng Manila at 92% naman ay covered ng Parañaque.

Paliwanag ni Rufo, lalong pinagbubutihan ng Maynilad ang kanilang serbisyo sa kanilang kliyente upang masulit naman ang kanilang binabayaran.


Binigyang diin ni Rufo na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa kanilang mga kliyente upang masiguro na nakakapaghatid sila ng tama at maayos na serbisyo.

Facebook Comments