TAMA NA | Joint expedition ng US laban sa ibang bansa, hindi sasalihan ng Pilipinas – P-Duterte

Manila, Philippines – Hinding-hindi na sasama ang Pilipinas sa anumang
joint expedition na gagawin ng Estados Unidos laban sa ibang bansa.

Ayon sa Pangulo – hindi siya papayag na maipit ang mga tropang Pilipino sa
gusot na papasukin ng Amerika maliban na lang kung nasa direktang banta ang
Pilipinas.

Dagdag pa ng Pangulo, tama na ang mahigit 400 taong nagpa-alila ang
Pilipinas sa Espanya at Amerika.


Sa ilalim ng 1951 mutual defense treaty, may obligasyon ang Estados Unidos
na tulungan ang Pilipinas mula sa mga pag-atake.

Magkaalyado rin ang dalawang bansa sa ilalim ng visiting forces agreement
at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Facebook Comments