TAMAD | Isang lalaki, kinasuhan ng kanyang mga magulang sa Amerika

Amerika – Kinasuhan ng isang American couple mula Camillus, New York ang 30-anyos nilang anak na lalaki.

Kasunod ito ng pagtanggi ni Michael Rotondo na boluntaryong umalis sa kanilang bahay.

Kwento ng mga magulang niyang sina Mark at Christina, wala na ngang trabaho, hindi pa raw tumutulong sa mga gawaing bahay ang kanilang anak.


Kinumbinsi raw nila itong umalis at maghanap ng sariling bahay at inalok pa ng 1,100 dollars (Php58,000) bilang panimula sa pagsasarili nito sa buhay pero masyado raw itong maliit ayon kay Michael.

Dahil dito, napilitan silang kasuhan ang anak at pinaburan naman sila ng korte.

Facebook Comments