Manila, Philippines – Papaimbestigahan ng Kamara sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kinita ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, layon nitong matukoy kung nagbabayad ba ng tamang buwis si Sereno at kung nagdeklara ba ito ng tama sa kanyang mga kinita.
Aniya, hanggang February 19 lang pwedeng magsumite ng kanilang report ang BIR sa kinita ni Sereno.
Kinumpirma naman ng dating clerk ng high tribunal na si Atty. Enriqueta Vidal na nakakuha lamang ng gradong 4 si Sereno na ikalawa sa may pinakamababang rating ng psychological test.
Target ng komite na matapos ang impeachment complaint hearing ngayong buwan para mapagbotohan ito bago mag-adjourn ang sesyon sa Marso.
Facebook Comments