Baste Duterte bisita sa 2nd Inaul Festival

Libo libong indibidwal ang nakiisa sa ginawang Festival Parade sa Buluan Maguindanao kasabay ng pagdiriwang ng 2nd Inaul Festival.

Nagyong araw ay inaasahang dadagsain pa ang Buluan dahil na rin sa ibat ibang mga aktibidad na inilatag na kinabibilangan ng Kapaguinaul Competition, Negosyo Launching Center, Drum and Lyre Competition, Palamata Talent Presentation at mas lalo pang sasayahin sa gabi ng bandang Siakol at mga stand up comedian na sina Negi at Pepay.

Susundan pa ito ng ibat ibang mga aktibidad na tyak magbibigay kulay sa Maguindanao Provincial Ground . Sinasabing nakatakda ring darating sa weeklong celebration si Baste Duterte kasama ang iba pang mga national officials.


Patuloy pa rin ang pag anyaya ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu na saksihan at makisaya sa selebrasyon ng 2nd Inaul Festival. Tema ng okasyon ay ” A Fabric of Peace: Weaving Diversity, Connecting Boundaries”.

Facebook Comments