Tamang Direksyon ng mga Kabataan, Itinuro sa Youth Leadership Summit!

Cauayan City, Isabela- Nasa pangalawang araw na ang isinasagawang Youth Leadership Summit o YLS na ginaganap ngayon, Mayo 5, 2018 sa San Mariano, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Col. Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th Infantry Battalion sa RMN Cauayan kaninang umaga bilang isa sa mga naging tagapagsalita sa nasabing Summit.

Ayon kay Col. Dulatre, layunin ng naturang aktibidad na mabigyan ng gabay at maituro sa tamang direksyon ang mga kabataan, dahil marami na umano sa mga kabataan ngayon ang nalilihis na sa kanilang landas.


Bukod pa rito, mga kabataan na rin umano ang target ng mga makakaliwang grupo kaya’t mas lalo umano nilang pinag-iingat ang mga kabataan ngayon na huwag madala sa mga pang-aakay ng mga NPA.

Ayon pa kay Col. Dulatre, mayroon din umanong mga aktibidades na gaganapin ngayong gabi upang madagdagan ang mga abilidad ng mga kabataan.

Bukas ay ang panghuling araw ng naturang Summit kaya’t inaasahan ni Col. Dulatre na huwag nang gawin ng mga kabataan ang mga masasamang gawain upang hindi malihis sa kanilang landas bagkus ay makamit ang kanilang mga plano.

Facebook Comments