Tamang edukasyon ng Islam dapat ituro sa mga Bangsamoro muslim

Dapat umanong maipaalam sa mga maraming mga muslim ang tamang turo ng relihiyong Islam. dahil sa kasalukuyang panahon ay marami ang nalilihis ng landas dahil sa hindi tamang interpretasyon ng Islam. Ito ang sinabi ni Shiek Abu Huraira Udasan, ang Grand Mufti ng Darul Ifta. Dapat lamang aniyang maituro sa kanila ang tamang edukasyon hinggil sa Islam . Hindi lamang aniya ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pupuksa sa paniniwalang ekstremista kundi ang mga religious leaders at ulama (Islam learned person) para maituro samga Bangsamoro muslim ang tamang turo ng Islam.

Facebook Comments