Tamang Nutrisyon, Isinusulong ng City of Ilagan LGU kaugnay ng Nutrition Month

Patuloy na isinusulong ng LGU Ilagan ang tamang nutrisyon para sa mga mamamayan nito bilang paggunita sa selebrasyon ng 2022 Nutrition Month na may temang “New Normal na Nutrisyon, Sama-samang Gawan ng Solusyon”.

Kaugnay nito, kaisa ang Brgy. Alibagu sa pagsuporta sa 48th Nutrition Month Campaign kung saan nagsagawa sila ng selebrasyon nitong Huwebes, July 21, 2022 sa Brgy. Alibagu Covered Court, City of Ilagan, Isabela.

Masayang nakiisa sa nabanggit na aktibidad ang mga magulang at kanilang mga anak, Barangay Health Workers, at Barangay Officials sa pangunguna nina Ginang Linette Blanco, City Nutrition Officer at Brgy. Captain Ariel Tabangcura.

Isinagawa ang iba’t ibang patimpalak gaya ng Cookfest, Slogan Contest, Zumba Dance Challenge, at Best in Costume for Daycare Children.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipakita ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagsulong at pagbibigay ng ibayong kaalaman ukol sa tamang nutrisyon para sa magandang kalusugan ng mga mamamayan nito.

Facebook Comments