Manila, Philippiens – Hindi pwedeng baguhin ang rendition o tono ng Lupang Hinirang sa tuwing aawitin.
Sa ilalim ng panukalang House Bill 5224 na nag-aamyenda sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang pambansang awit ay dapat na sumusunod sa musical arrangement at komposisyon ni Julian Felipe.
Mababatid na may mga malalaking events sa bansa na kinakanta ang Lupang Hinirang at iniiba ang komposisyon ng awitin.
Kakantahin lamang ang pambansang awit tuwing may international competition na pinangungunahan o kinakatawan ng Pilipinas, national o local sports competition, kapag signing off o signing on ng radyo o telebisyon, bago at pagkatapos ng pagpapalabas ng pelikula, at iba pang okasyon na pinapayagan sa ilalim ng National Historical Commission.
Ang sinuman na babastusin o gagawing katatawanan ang pambansang awit ay mahaharap sa kasong criminal o administratibo o kaya ay multa at pagkakakulong.